^

Probinsiya

OFW itinumba sa Laguna

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
OFW itinumba sa Laguna
Sa ulat ng Sta. Rosa City Police, kinilala ang biktima na si Dicoroso Masalta.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

LAGUNA, Philippines — Isang overseas Filipino Worker (OFW) ang patay matapos barilin sa ulo ng nag-iisang gunman habang may binibili sa isang tindahan sa Sta. Rosa City, ng lalawigang ito nitong Martes ng hapon.

Sa ulat ng Sta. Rosa City Police, kinilala ang biktima na si Dicoroso Masalta.

Lumalabas na dakong alas-2:15 ng hapon habang bumibili sa isang sari-sari store ang biktima nang biglang sumulpot ang hindi kilalang lalaki at biglang binaril nito nang malapitan ang biktima sa Barangay Market area.

Mabilis na dinala ng mga saksi ang biktima sa Sta. Rosa Community Hospital subalit nasawi habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong tama ng bala sa likod ng kanyang ulo.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with