^

Probinsiya

3 nasabat sa checkpoint, mga baril at puslit na gasolina nasamsam

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

AROROY, Masbate, Philippines — Kalaboso ang tatlong lalaki matapos masabat at makunan ng mga baril at galon-galong gasolina ang kanilang sasakyan nang maharang sa checkpoint ng mga pulis at sundalo sa Brgy. Puro ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga nakakulong na suspek na kinilalang sina Jeson Borado Cadiz, 36-anyos; Gaspar Cinco Rabo, 29-anyos; at Christian Cristobal Race, 31-anyos, pawang residente ng Aroroy, Masbate.

Sa ulat na nakarating kay PRO5 regional director Brig. Gen. Westrimundo Obinque, dakong alas-9:30 ng gabi, pinara ng mga kasapi ng Aroroy Police at Delta Company ng 96th Infantry Battalion ng Philippine Army sa inilatag nilang checkpoint sa harap mismo ng Puro Patrol Base ng mga sundalo sa Brgy. Puro, Aroroy, Masbate ang Mitsubishi L300 Van (THG-752) na sinasakyan ng tatlong lalaki.

Sa pagrekisa, nakuha ng mga pulis at sundalo sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 at isang kalibre 9mm pistol na baril na burado ang serial number.

Maliban sa mga baril, natagpuan sa sasakyan ang 75 plastic container na may lamang gasolina na tinatayang hindi bababa sa 1,500 litro.

Agad inaresto ang mga suspek at dinala sa Aroroy Municipal Police Station makaraang walang maipakitang dokumento ng kanilang mga baril at maging ang permit sa pag-biyahe ng mga gasolina.

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with