^

Probinsiya

Magkaangkas inambus sa Masbate: 1 todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Magkaangkas inambus sa Masbate: 1 todas
Bulagta sa kalye ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunmen habang bumabagtas sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Nabongsoran, sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Philstar.com / File photo

AROROY, Masbate, Philippines — Bulagta sa kalye ang isang motorcycle rider habang sugatan ang kanyang angkas matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunmen habang bumabagtas sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Nabongsoran, sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktima na nakilalang si Noli Dela Cruz Yamson, binata, residente ng Brgy. Cabangcalan ng naturang bayan.

Sugatan at patuloy namang inoobserbahan ang kasama nitong si Mark Brian Garcia Francisco, 30-anyos, at residente ng Brgy. Ibingay, Masbate City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-4:30 ng hapon habang sakay ng Rusi Motorcycle ang mga biktima at binabagtas ang kahabaan ng highway patungong bayan ng Mandaon nang harangin ng dalawang suspek. Hindi na nagawa pang umiwas ang mga biktima, matapos silang paulanan ng bala ng dalawang suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril habang isinugod ng mga residente ang buhay pang si Francisco sa Aroroy Municipal Hospital habang patay na nang abutan ng mga rumespondeng pulis si Yamson.

Nakuha sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

vuukle comment

CRIME

GUN

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with