^

Probinsiya

Obrero patay sa landslide, 2 pa nasagip

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mountain Province, Philippines – Patay ang isang obrero habang masuwerteng nailigtas ang dalawa niyang kasamahan matapos gumuho ang lupa sa construction site sa bahagi ng Luis Hora Memorial Regional Hospital sa Abatan, Bauko ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Rodante Nabor Laluan habang matagumpay na nailigtas ang mga kapwa obrero na sina  Mark Steve Nabor at Rocky Bernes, pawang residente ng Pozorrubio, Pangasinan.

Napag-alaman na ang mga biktima ay nagkakabit umano ng steel footing nang biglang gumuho ang lupa sa kanilang tapat at tuluyan silang natabunan.

Agad na tumulong ang iba pang nasa lugar upang maiahon ang tatlo saka mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang dead-on-arrival si Rodante.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with