^

Probinsiya

2 magnanakaw patay sa shootout

Diana Lhyd Suelto - Pilipino Star Ngayon
2 magnanakaw patay sa shootout
Sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw ay rumesponde ang mga tauhan ng Ecoland Police Station, alas-3:00 ng madaling araw mula sa isang sari-sari store owner sa Purok 2, Brgy. 74-a Matina, Davao City, dahil sa umano’y puwersahang pagpasok ng suspek na si Jestoni Sardido Saban.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaking magnanakaw sa magkahiwalay na shootout, kahapon sa Davao City.

Sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw ay rumesponde ang mga tauhan ng Ecoland Police Station, alas-3:00 ng madaling araw mula sa isang sari-sari store owner sa Purok 2, Brgy. 74-a Matina, Davao City, dahil sa umano’y puwersahang pagpasok ng suspek na si Jestoni Sardido Saban.

Sumigaw ang isang hindi pa kilalang kasama ni Saban na may dumating na pulis at nang lumabas ito ng tindahan ay pinagbabaril nito ang mga huli na gumanti ng putok at nasapol.

Dinala ang suspek sa Southern Philippines Medical Center, subalit idineklarang dead on arrival.

 Narekober ng forensic team ang isang .38 caliber revolver at 2 maliit na sachet ng pinaghihinalaang shabu mula sa napatay na suspek.

Samantala,isa pang magnanakaw ang nasawi sa isinagawang police Sta. Ana Police Station na kinilalang si alias Pakay, residente ng Leon Garcia, Davao City na umano’y nanlaban.

Batay sa police report, isang concerned citizen ang tumawag sa pulisya nang makita ang suspek na naglalakad sa Sitio Sta. Cruz, Leon Garcia na may dalang armas.

Nang rumesponde ang mga pulis ay agad umanong pinutukan ng suspek, kaya’t napilitang gumanti ng putok at napatay ito na kung saan narekober ang isang .38 caliber pistol.

vuukle comment

CRIME

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with