^

Probinsiya

3 dedo sa salpukan ng kotse at truck

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng pamilya ang patay matapos sumalpok sa truck ang kotse na kanilang sinasakyan ka­makalawa ng tanghali sa national highway ng Brgy. Dunggoan sa Danao City, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na mag-asawang sina Erwin Mondejar, misis na si Imelda at anak nilang si Erin Bliss, 3-anyos habang sugatan ang isa pa nilang anak na si Imer; pawang taga-Brgy. Poblacion, Macrohon, Southern Leyte.

Ayon kay PStaff Sgt. Ronald Gomez ng Danao City Police, dakong alas-12 ng tanghali, sakay ng isang kulay itim na Mitsubishi Sedan (GED 2568) ang mga biktima na minamaneho ni  Erwin nang makasalubong nila ang Izusu wing van truck na minamaneho ni Nolin Batobalonos, 26 at magkabanggaan.

Sa lakas ng impact, wasak ang kotse at naipit ang mga sakay na biktima. Bagama’t nakuha sa sasakyan at naisugod pa sa ospital ang tatlo ay hindi na rin sila naisalba pa ng mga doktor. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver na si Batobalonos.

vuukle comment

RONALD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with