^

Probinsiya

2 tiklo sa P2.72 milyong shabu sa Laguna

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
2 tiklo sa P2.72 milyong shabu sa Laguna
Nakuha rin ang tatlong malalaking plastic bags ng hinihinalang “shabu” na may timbang na 400 gramo at estimated street value na P2.72 milyon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang high value individuals (HIVs) na sangkot sa illegal drugs trade ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Cristobal, San Pablo City, Lagu­na, kamakalawa ng alas-8:17 ng gabi.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang mga suspek na sina Michalle Sarmiento at Edrian Pecayo na nakumpis­kahan ng 15 gramo ng isang pulis na nagpanggap na buyer nang tanggapin ang P30,000.

Nakuha rin ang tatlong malalaking plastic bags ng hinihinalang “shabu” na may timbang na 400 gramo at estimated street value na P2.72 milyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang mga suspek at nahaharap sa drug charges.Habang isinumite naman ang mga ebidensya sa crime la­boratory para sa forensic examination.

Sinabi ni Laguna PPO Director Colonel Randy Glenn G. Silvio na galing Metro Manila ang drug, partikular sa Parañaque City, at dumayo sa probinsya para magbenta ng iligal na droga.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with