^

Probinsiya

Wing van naputukan ng gulong: 7 pulis nasawi, 20 sugatan sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Wing van naputukan ng gulong: 7 pulis nasawi, 20 sugatan sa road mishap
Idineklarang dead-on- arrival sa pinagdalhang ibat-ibang pagamutan ang mga biktimang sina P/Staff Sgt Michael Ermac; P/Staff Sgt Reuyan Marjun; P/Staf Sgt Jevilou Cañeda; P/Staff Sgt. Eugene Lagcao; P/Staff Sgt Aaron  Ticar; P/Staff Sgt, Arnill Manoop; at ret. P/Staff Sgt. Abapo Anito, na siyang driver ng isa sa mga van.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pitong pulis ang kinarit ni kamatayan habang 20 na iba pa ang nasugatan makaraang aksidenteng suwagin ng isang wing van na naputukan ng gulong ang sinasakyan ng mga itong dalawang van sa malagim na sakuna sa daan sa Naawan, Misamis Oriental nitong Sabado ng umaga.

Idineklarang dead-on- arrival sa pinagdalhang ibat-ibang pagamutan ang mga biktimang sina P/Staff Sgt Michael Ermac; P/Staff Sgt Reuyan Marjun; P/Staf Sgt Jevilou Cañeda; P/Staff Sgt. Eugene Lagcao; P/Staff Sgt Aaron  Ticar; P/Staff Sgt, Arnill Manoop; at ret. P/Staff Sgt. Abapo Anito, na siyang driver ng isa sa mga van.

Samantala, nasa 20 iba pa ang sugatan na kinabibilangan ng 19 na pulis na dinala sa iba’t ibang ospital na nakila­lang sina P/Staff Sgt Jesson Pormento; P/Staff Sgt Peter Paul Llamera; P/Staff Sgt Jericho  Tortogo; P/Staff Sgt. John  Dominguez; P/Staff Sgt Ricky Hista; P/Staff Sgt Kirby Markinez; P/Staff Sgt Jovane Adorable; P/Staff Sgt Algefer Carpio; P/Staff Sgt Cristy Narisma; P/Staff Sgt Lloyd Tumangob; P/Staff Sgt Edwin Calavio; P/Staff Sgt Kevin Ramos; P/Staff Sgt Joel Lumacad; P/Staff Sgt.Jomar Maramara; P/Staff Sgt Gerry Harry Ucaya; P/Staff Sgt Mark Gil Macasero; P/Staff Sgt Marvin Velasquez; P/Staff Sgt Maute Mohammad; P/Staff Sgt Archel Fuentes at Benjamin Mudabpel, driver ng wing van na sumalpok sa sasakyan ng mga pulis.

Sa report ng Misamis Oriental Provincial Police Office (PPO), ang nasabing mga pulis ay mula sa Police Regional Office (PRO) 10 na galing ng Cagayan de Oro City na patungo sana ng Iligan City para sa isang training nang mangyari ang malagim na trahedya.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 9:25 ng umaga nitong Sabado sa kahabaan ng national highway ng Purok 11, Barangay Poblacion, Naawan.

Ang mga pulis ay lulan ng dalawang Hi-Ace van at nakatakda sanang mag-overtake sa nasa unahang wing van nang aksidente umanong pumutok ang isa sa unahang gulong ng wing van dahilan upang magpagewang-gewang ito at sumalpok sa dalawang van na sinasakyan ng mga pulis.

Sa lakas ng pagkakabangga, wasak ang dalawang van habang ang mga pulis na sakay ay naipit at tumilapon sa labas ng sasakyan.

Mabilis rumesponde ng pulisya at iba pang lokal na rescue teams at mabilis na isinugod ang mga biktima sa iba’t ibang pagamutan subalit pito sa mga pulis ang idineklarang dead-on-arrival dahil sa tinamong matinding pinsala sa kanilang mga katawan.

vuukle comment

NASAWI

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with