^

Probinsiya

2 dalaga timbog sa higit P2 milyong shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 dalaga timbog sa higit P2 milyong shabu
Nakapiit na sa muni­cipal jail at kinasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 ang mga suspek na sina Melody Palatino alyas “Mami”, 41, dalaga at kabilang sa talaan ng mga high value individual (HVI) at Marie Maano, 45, dalaga at kabilang sa newly identified personality.
STAR/File

GENERAL LUNA, Quezon, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng dalawang babaeng notor­yus sa pagtutulak ng ipinagbabawal na droga makaraang malambat sa anti drug operation at makumpiskahan ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit sa dalawang milyong piso kahapon ng madaling araw sa Sitio Malalim, Barangay San Jose sa bayang ito.

Nakapiit na sa muni­cipal jail at kinasuhan ng paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 ang mga suspek na sina Melody Palatino alyas “Mami”, 41, dalaga at kabilang sa talaan ng mga high value individual (HVI) at Marie Maano, 45, dalaga at kabilang sa newly identified personality (NIP).

Ayon kay P Col. Ledon Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) director, bago ang pagkaaresto sa dalawa ay tumanggap ng impormasyon ang lokal na pulisya na nagpapatuloy ang iligal na aktibidad ng mga ito sa kabila ng babala ng mga barangay officials.

Bandang ala-1:45 ng madaling araw nang isa­gawa ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang buy-bust operation laban sa mga suspek.

Nakuha buhat sa ka­nilang pag-iingat ang isang sling bag na nag­lalaman ng 20 piraso ng plastic sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 100 gramo at nagkakahalaga ng P2,040,000, isang P1,000 marked money at 13 piraso ng P1,000 boodle money.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with