^

Probinsiya

1 patay, 5 missing kay ‘Neneng’; 103,662 pa naapektuhan  

Doris Franche, Gerry Lee Gorit, Jun Elias, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
1 patay, 5 missing kay �Neneng�; 103,662 pa naapektuhan   
In this photo posted on October 16, members of the Philippine Coast Guard (PCG) conducts road clearing operations at Sitio Pragata, Barangay Poblacion 4, Pasuquin, Ilocos Norte.
Philippine Coast Guard Ilocos Norte, Facebook

MANILA, Philippines — Isa ang patay sa pag­kalunod habang lima pa ang nawawala makaraang matabunan ng landslide at nasa mahigit 100,000 residente ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Neneng.

Sa report kahapon ng Cagayan de Oro local government, kinilala ang nasawi na si Artemio Gonzales, dating security guard na nalunod dahil sa pagbaha noong Linggo ng hapon sa Zone 5, Lower Bugo, Cagayan de Oro.

Lima namang katao kabilang ang tatlong LGU workers ang pinanga­ngambahang patay na rin matapos matabunan ng landslide sa Malitbog, Bukidnon nitong Lunes, Oktubre 17.

Dahil dito, nanawagan si Malitbog town police chief Lt. Danilo Sabornido sa mga pamilya na naninirahan sa danger zone na pumunta sa mas ligtas na lugar dahil patuloy pa ang pag-ulan na maaa­ring magbunsod ng panibagong landslide.

Kinilala ni Sabornido ang mga nawawala na sina Lucrecio Lauronal at misis na si Angelina na kasama ng kanilang bahay na natabunan ng lupa sa bulubunduking bahagi ng Sitio Mabuhay, San Luis, Malitbog.

Ang tatlo pang nawa­wala na LGU workers ng Malitbog na itinalaga para magsagawa ng road clearing ay nakilalang sina Nerio Talines, backhoe operator; Raffy Simprota, dump truck driver, at kanyang helper na si Jordan Achas, pawang residente ng Barangay Kalingking, Malitbog.

“Incidents like this which hit San Luis for the first time in many years should not cost precious lives, hence our stern warning for those living in the edge of the mountains not only in Bukidnon but anywhere in the region to be extra careful,” pahayag ni Malitbog Mayor Gary Casiño.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 103,662 indibiduwal ang naapektuhan ng bagyong Neneng mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa NDRRMC, hindi pa rin madaanan ang 9 na kalsada at walong tulay sa Ilocos Region, Cagayan Valley at CAR habang wala pa ring supply ng kuryente sa Ilocos Region, at Cagayan Valley.

Sa pagtaya ng Caga­yan provincial disaster risk reduction and management council (PDRRMC), umaabot sa P692,300,000 ng infrastracture projects at P192,159,190 agriculture products o ang nasira sa Cagayan sa panana­lasa ni Neneng.

Sinabi ni Ruelie Rap­sing, PDRRMC head, na karamihan sa mga pinsala sa imprastraktura ay ang roads projects at bridges habang sa agrikultura ay mga tanim na palay at mais; isda at livestocks.

Ani Rapsing, may kabuuang 18 munisipalidad ng probinsya ang nasalanta ng bagyo kung saan 28,161 pamilya ang lumikas sa pagbaha pero nakabalik na aniya sa kani-kanilang tahanan.

Sa Ilocos Norte, iniulat ni Gov. Matthew Marcos Manotoc na nasa P178 milyon ang nasira sa parehong agriculture at infrastructure sectors, base sa unang pagtaya.

Sinabi ni Manotoc na 15 municipalities at ang siyudad ng  Laoag at Batac, na may kabuuang 111 barangays, ang naapektuhan ng bagyong Neneng.

Sa pagtaya ng PDRRMC, Provincial Agri­culture Office, at Provincial Engineering Office, ng Ilocos Norte, mahigit P82 milyon ang nasira sa agrikultura at P95 milyon sa imprastratura, habang nasa 100 pamilya ang inilikas.

Nabatid na nasa 1,124 magsasaka at mangingisda sa Ilocos Region ang naapektuhan matapos mawasak ang 503.57 ektarya ng mga pananim.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with