Pamilya naligo sa dagat: 3 patay, 1 nawawala
BOTOLAN, Zambales, Philippines — Nauwi sa trahedya ang paliligo ng isang pamilya sa isang beach resort matapos na masawi ang tatlo sa kanila habang pinaghahanap ang isa pa na naganap, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ng Botolan Disaster Risk Reduction Management Office ang mga nasawi na sina Rialyn Rosales, 17-; Reynaldo Santiago,60; at Donna Santiago, 36, habang pinaghahanap pa ang 13-anyos na si Ryan Santiago na pawang mga residente ng Bulacan.
Ayon kay Botolan MDRRMO Team Leader Andy Divino, ang mga biktima ay nagkayayaan upang maligo sa isang “open sea” na pampublikong lugar, subalit dahil sa malakas ang alon ng dagat dulot ng masamang lagay ng panahon ay tinangay ang mga biktima sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa malunod.
Patuloy pa rin ang search and retrieval operations ng mga otoridad kay Ryan.
- Latest