^

Probinsiya

Rider, angkas patay sa road mishap sa Laguna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rider, angkas patay sa road mishap sa Laguna
Kinilala ang mga biktima na sina Roger Pos­tanes, driver ng motorsiklo at backrider nitong si Redster Carranza.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na magkaangkas ang nasawi matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang konkretong poste sa tabi ng national highway sa Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Roger Pos­tanes, driver ng motorsiklo at backrider nitong si Redster Carranza.

Sa report ng CALABARZON Police, nangyari ang aksidente sa nasabing lugar bandang alas-9 ng gabi.

Ayon sa imbestigas­yon, masyadong matulin ang takbo ng motorsiklo bunsod upang mawalan ng kontrol sa manibela si Postanes.

Bunsod nito bumangga ang motorsiklo sa puno ng mangga bago ito sumalpok sa konkretong poste sa tabi ng highway sa nasabing lugar.

Ang dalawang biktima ay kapwa humagis sa sumemplang na motorsiklo bunga ng insidente na nagtamo ng matitinding sugat sa katawan.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang dalawang biktima pero kapwa idineklarang dead-on arrival.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with