^

Probinsiya

Mag-ama nasapol ng kidlat, utas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama nasapol ng kidlat, utas!
Sa ulat ng CALABARZON Police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jomar Funtillar at anak nitong si Jona.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang ama at anak nitong babae makaraang aksidenteng tamaan ng kidlat habang naghahapunan sa isang liblib na lugar sa bayan ng Catanauan, Quezon nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng CALABARZON Police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jomar Funtillar at anak nitong si Jona.

Ayon sa pulisya, isang minuto bago mag-alas-6 ng gabi nang maitala ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya Funtillar sa Brgy. Tagbacan Ilaya ng bayang ito.

Base sa imbestigasyon, ang mag-ama ay kasalukuyang nag­hahapunan sa loob ng kanilang bahay nang biglang kumulog ng malakas at ilang saglit pa ay tumama ang matinding kidlat sa isang sulok ng nasabing tahanan kung saan nasapol ang mag-ama.

Ayon sa pulisya, ang bahay ng pamilya Funtillar ay gawa lamang sa mahihinang uri ng materyales .

Bunga ng pagtama ng kidlat, ang mag-ama ay nagtamo ng matitinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nilang ikinamatay..

Nanawagan naman ang mga opisyal ng barangay sa lugar para tulungan ang mag-ama na maipalibing dahil naghihikahos ang naturang pamilya.

vuukle comment

CALABARZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with