^

Probinsiya

Telco engineer nadale ng ‘akyat-bahay’, 2 suspek huli

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinasok ng dalawang hinihina­lang miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” ang bahay ng isang engineer ng te­lecommunication (Telco) company at nilimas ang may P300,000 na halaga ng mga mamahaling ka­gamitan at gadgets nito kamakalawa ng hapon sa Brgy. Molino 3, Bacoor City.

Agad namang naaresto ang mga suspek sa isinagawang followup operation ng pulisya na nakilalang sina Jonas Raga, 19-anyos, at Leomar Dacame, 34, kapwa construction worker at taga-Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Marvin Rae Calaor, alas-4 ng mada­ling araw ng pasukin ng mga suspek ang bahay ni Engr. Kurt Khennyvhin, 26-anyos sa Block 12 Lot 8 Durian St. Camella Springville West, Brgy. Molino 3.

Inakyat ng mga suspek ang bahay ng biktima at tinangay ang Dell Laptop, Toshiba Dynabook Laptop, Toshiba Laptop, 2 piraso ng Think Pad Laptop, Lenovo Laptop, Mai Benben laptop, assorted cellphones at 7 cellphone chargers na aabot sa mahigit kumulang sa Php300,000.00 .

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang pulisya na ikinaaresto ng dalawang suspek. Narekober sa kanila ang ibang tinangay sa biktima, at dalawang blowgun (sumpak) na karagado ng bala, isang piraso ng 12 gauge na bala at dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

vuukle comment

TELCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with