^

Probinsiya

Lumang tulay sa Cavite na bumigay, 8 na ang patay

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 8 katao ang nasawi sa bumagsak na tulay sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite noong Martes ng gabi matapos makuha ang bangkay ng anim pang katao na unang naiulat na nawawala, kama­kalawa ng gabi.

Ayon kay Cavite-PNP spokesperson P/Major Joseph Ulfindo, anim na nasawi ay pawang mga menor-de-edad na nahukay ng retrieval teams sa lugar. Kagabi ay nakuha na ang labi ng isa pang 14-anyos na binatilyo.

Ang unang biktima ay kinilalang si John Michael Beltran, 17, na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas, habang 2 sa limang nasugatan ay nasa ospital pa rin dahil sa malubhang kalagayan.

Nasa 13 ang mga biktima na pawang menor de edad nang bumagsak sa tulay na kanilang tinatambayan sa Sitio Talisayan,Barangay Sampaloc 4.

Nabatid na isa nang luma ang tulay na hindi na maaaring daanan ng mga residente na ginawang tambayan ng mga biktima.

vuukle comment

TULAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with