^

Probinsiya

4 Chinese kidnappers timbog sa raid sa Cavite

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon
4 Chinese kidnappers timbog sa raid sa Cavite
Jerry Hong, Huang Yang Hui, Xiang Long Huang at Yang Yuan.
STAR/File

7 POGO workers sa Quezon City, dinukot

MANILA, Philippines — Apat na Chinese national na suspek sa pagdukot sa kanilang mga kababayan sa Quezon City na manggagawa ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm ang naaresto sa isina­gawang pagsalakay sa kanilang hideout sa Bacoor City, Cavite, ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon.

Kinilala ng CIDG ang mga nadakip na sina Jerry Hong, 32-anyos, Huang Yang Hui, 31, Xiang Long Huang, 29, at isang kasamang babae na si Yang Yuan, 28. Sila ay naaresto ng mga pulis sa ilalim ng superbisyon ni CIDG director Maj. Gen. Eliseo Cruz sa isinagawang raid sa kanilang pinagtataguan sa loob ng isang subdivision sa Barangay Mambog IV, Bacoor City dakong alas-2 ng hapon noong Biyernes.

Ang apat na suspek ay ang target ng ikinasang hot pursuit operation ng pulisya matapos ang ginawa nila umanong pagdukot sa pitong kapwa Chinese na POGO workers sa Barangay Mariana, ng nasabi ring araw.

Ayon kay Col. Randy Glenn Silvio, hepe ng CIDG National Capital Region Field Unit, ang mga biktima na kinabibilangan ng apat na babae at tatlong lalaking Tsino ay kinidnap ng anim na lalaki na armado ng maigsi at mahahabang armas sa kanilang tirahan sa panulukan ng Gilmore at 11th Streets dakong ala-1 ng mada­ling-araw.

Ang insidente ay inireport ng driver ng mga biktima sa pulisya na agad namang nagkasa ng dragnet operation hanggang sa matunton ang mga suspek.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang kalibre .45 na baril, mga identification cards ng mga biktima at kanilang cellphones.

Nabigo namang ma­tagpuan sa lugar ang mga biktima kaya nagsasagawa pa ang CIDG ng follow-up operation upang sila ay matunton.

Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng mga kasong kidnapping, serious illegal detention, robbery at illegal possession of a firearm.

Samantala, sinabi ni Silvio na marami na silang natatanggap na impormasyon na laganap ang pagdukot sa mga Chinese na karamihan ay POGO employees sa nagdaang mga buwan.

“Based on information, the relatives of the victims will be contacted by their abductors who were also Chinese nationals and will demand for ransom to be paid thru virtual currency,” pahayag ni Silvio.

Iba pang modus aniya ng sindikato ay ibinebenta ang kanilang mga biktima sa ibang POGO firms sa Metro Manila at ibang kalapit na lalawigan.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with