^

Probinsiya

Misis na ‘tulak’ timbog sa P3.4 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang 46-anyos na misis matapos na makuhanan ng mahigit tatlong milyong pisong halaga ng droga ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginawang buy-bust operation sa Deca Homes Northfield Subdivision sa Brgy. Bagumbayan Norte ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Cherylle Lelis Eleria, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi makaraang magpositibo sa ilang araw na surveillance at test buy, agad na inilatag ang buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA-Sorsogon, Masbate at Camarines Sur sa overall supervision ni regional director Atty. Gil Pabilona katuwang ang Naga City Police Office, laban sa suspek.

Agad inaresto ng mga operatiba ang suspek matapos nitong iabot sa poseur buyer ang biniling shabu.

Maliban sa biniling tatlong maliit na sachet, nakuhanan pa ang ginang ng isang malaking bungkos ng plastik bag na may lamang shabu na tumitimbang lahat ng 506-gramo at nagkakahalaga ng P3,440,800.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with