Madugong ‘love triangle’ sa Cavite: ‘Lover’ ni misis inabangan ni mister: 2 patay!

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Lennox Nuguid, 24-anyos, binata, at Rico Mariscotes, 23, binata habang inoobserbahan sa pagamutan ang pinagseselosang si John Aldy Bendijo, 24; pawang residente ng nasabing lugar.
File

CAVITE, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong patay habang isa pa na sinasabing “lover ng isang misis ang kritikal matapos silang abangan at pagbabarilin ng selosong mister kasama ang dalawang pinsan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Palangue, bayan ng Naic, dito sa lalawigan.
Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Lennox Nuguid, 24-anyos, binata, at Rico Mariscotes, 23, binata habang inoobserbahan sa pagamutan ang pinagseselosang si John Aldy Bendijo, 24; pawang residente ng nasabing lugar.

Arestado naman ang isa sa mga suspek na si Joshua Mojica alias “JotJot ”, 25-anyos, habang pinaghahanap ang mga pinsan nitong sina John Zyrus Mojica Tafalla alias “Laloy” at kapatid na si Janiel Mojica Tafalla alias “Janiel ”, 25, pawang residente sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Richard Atienza, may hawak ng kaso, alas-8 ng gabi habang sakay ang tatlong biktima sa isang motorsiklo at papauwi na nang madaanan nila ang tatlong suspek na nag-iinuman at agad silang hinarang at pinababa. 

Bunsod nito, nagkaroon ng girian hanggang sa magkasuntukan na sina alias Laloy at Bendijo hanggang sa mauwi sa pamamaril sa mga biktima.

Lumalabas na si Ben­dijo ay sinasabing may lihim na relasyon sa isang Trisha Reyes, na asawa naman ng isa sa mga suspek, dahilan upang bugbugin nito ang kaniyang misis.

Kasunod nito, nag-inu­man ang magpipinsang suspek at nag-usap na tatambangan umano nila si Bendijo. Narinig naman ito ni Trisha kaya agad niyang tinawagan si Bendijo upang paalalahanan. 

Habang papauwi na nga si Bendijo kasama ang dalawa pang biktima ay dito na sila inabangan ng mga suspek hanggang sa komprontahin ng galit na mister at dalawang pinsan na armado na pala ng baril.

Kapwa duguang bu­mulagta ang tatlong biktima na agad naitakbo sa ospital subalit dalawa ang idineklarang dead-on-arrival sanhi ng dami ng balang tumama sa kanila habang agaw-buhay ang isa pa.

Sa follow-up operations ng pulisya sa pa­ngunguna ni Col. Resty Soriano, agad na naaresto si Joshua Mojica habang pinaghahanap ang dalawang pinsan nito.

Narekober sa pinang­yarihan ng krimen ang apat na basyo cartridge shells ng caliber 38.

Show comments