^

Probinsiya

Ama, ina pinatay ng panganay na anak!

Ramon Efren Lazaro - Pilipino Star Ngayon

Pinagpupukpok ng bato habang natutulog

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa sa kamay ng kanilang panganay na anak na lalaki matapos silang paghahampasin ng bato habang natutulog sa loob ng kanilang tahanan nitong Lunes sa Candaba, Pampanga.

Sa ulat na tinanggap ni Col. Alvin Ruby Consolacion, police director ng Pampanga, kinilala ang mga biktima na sina Jesus Bangit, 63, at misis niyang si Merlita, 57, isang PWD habang sinampahan na rin ng kasong double parricide ang 38-anyos na suspek na si Jeffrey Bangit; pawang residente ng Sitio Highway, Barangay Mapaniqui, Candaba, Pampanga.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na isinagawa ng suspek ang pagpatay sa mga magulang kasunod ng kanilang matinding pagtatalo sa isyu ng pera.

Nabatid na pinasok at pinagpupukpok sa ulo ng malaking tipak ng bato ng suspek ang kanyang ama at ina habang sila ay natutulog na sa kanilang kuwarto.

Nagawa pang makalabas ng kuwarto ang ama para tumakas at humingi sana ng tulong pero hinabol pa ng suspek at pinaghahampas ng bato sa ulo saka tumakas. Hindi rin nakapanlaban ang ina dahil isang PWD at hindi makalakad.

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng mga biktima na kapwa duguan at nakasubsob sa loob ng kanilang tahanan.

Naaresto naman ng pulisya sa follow-up ope­ration ang suspek na sinasabing panganay sa apat na anak ng mag-asawang biktima.

Napag-alamang la­bas-pasok na rin sa rehabilitation center ang suspek dahil sa pagkalulong sa illegal na droga.

Pinaplano rin ng mga biktima na muling ipa-rehab ang suspek dahil sa pagbabago muli ng kanyang ugali bukod pa sa ulat na lulong ito sa sugal na online sabong.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with