8 patay sa leptospirosis sa Eastern Visayas
MANILA, Philippines — Walo na ang nasawi sa 53 kaso ng leptospirosis na naiulat sa Eastern Visayas magmula nitong Enero 1 ng kasalukuyang taon,ayon sa Department of Health (DOH).
Sa 53 kaso, 22 nito ay mula sa Leyte; 10 sa Samar; tig-pito sa Southern Leyte at Eastern Samar; lima sa Northern Samar; at dalawa sa Biliran.
Tatlo sa mga nasawi dahil sa leptospirosis ay mula sa Tacloban City, bayan ng Abuyog at Hilongos sa Leyte; dalawa sa bayan ng Padre Burgos at Hinunangan sa Southern Leyte; dalawa sa Basey at Catbalogan City sa Samar; at isa sa Maydolor, Eastern Samar.
Dahil dito,mahigpit na nagpaalala si Jelyn Malibago, regional information officer ng DOH-E. Visayas, na iwasan ng publiko ang paglusong sa baha upang makaiwas na makuha ang bacteria na nagmula sa ihi ng daga. Sa pagpasok ng tag-ulan sa bansa, inaasahan ng DOH na tataas pa ang mga kaso ng naturang sakit lalo na kung hindi tutugon ang mga tao sa paalala nila.
- Latest