^

Probinsiya

Pulis kritikal sa salpok ng motorsiklo

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang pulis ang nasa kritikal na kondisyon matapos siyang masalpok ng isang motorsiklo habang lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo sa bayan ng Iguig sa lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si P/Cpl. Archie Cagurungan, 34, nakatalaga sa Iguig Police at residente ng Barangay San Esteban sa nasabing bayan.

Nakilala naman ang driver na bumangga umano sa pulis na si Ricson Gamata, 32, ng Barangay Awallan sa bayan ng Baggao.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, akmang liliko umano ang minamanehong Rusi na motorsiklo ni Caguru­ngan nang aksidenteng mabangga ng minamanehong Euro motorcycle ni Gamata sa bahagi ng Barangay Minanga Norte.

Sa lakas ng pagka­kabangga, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang pulis na agad isinugod sa pagamutan habang gasgas lamang ang tinamo ni Gamata.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries si Gamata na kasalukuyang nasa kustodya ng pulisya.

vuukle comment

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with