^

Probinsiya

Bahay ni kap sa Bulacan, hinagisan ng Granada

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bahay ni kap sa Bulacan, hinagisan ng Granada
Ayon sa ulat ng San Ildefonso Municipal Police sa pamumuno ni Police Maj. Marvin Aquino, dakong alas-9:40 ng gabi ay inihagis ang granada ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng bakuran ni Brgy. Chairman Allan Galvez, kapatid ng nanalo sa katatapos na May 9 elections sa nasabing bayan na si Mayor-elect Fernando Galvez Jr.
STAR/File

SAN ILDEFONSO, Bulacan, Philippines — Nasira ang isang sasakyan matapos pasabugan ng granada ang bahay ng kapitan ng dalawang ‘di kilalang suspek sa Brgy. Alagao sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng San Ildefonso Municipal Police sa pamumuno ni Police Maj. Marvin Aquino, dakong alas-9:40 ng gabi ay inihagis ang granada ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng bakuran ni Brgy. Chairman Allan Galvez, kapatid ng nanalo sa katatapos na May 9 elections sa nasabing bayan na si Mayor-elect Fernando Galvez Jr.

Base pa sa ulat ng pulisya, tadtad ng tama ng shrapnel ang pickup truck na nakaparada malapit sa bahay ng tserman matapos bumagsak ang granada sa compound nito.

Isa umanong binatilyo ang nakakita sa mga salarin na riding-in-tandem na papalayo sa lugar matapos na sumabog ang granada.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nabatid na wala naman umanong kaaway o kagalit ang magkapatid na Galvez at wala ring natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay.

Natagpuan naman ng miyembro ng Explosive and Ordnance Division (EOD) ng San Ildefonso Police ang lever ng isang MK2 fragmentation grenade sa loob ng bakuran ni Galvez.

Wala namang nasugatan sa insidente at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may kinalaman ang insidente sa personal at pulitika o nagdaang halalan.

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with