^

Probinsiya

P95 milyong puslit na yosi, goods sinira sa Port of Subic             

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines — Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs-Port of Subic sa Zambales laban sa mga ilegal na kargamento, sinira ng ahensiya ang mga puslit na sigarilyo at mga kargamento ng mga oversta­ying containers na nagkakahalaga ng mahigit P95 milyon kamakalawa.

Tatlo sa mga naturang containers ay naglalaman ng mga sigarilyo na naka- consigne sa Goldlink Int’l Subic Inc. na nasabat noong nakaraang taon na mayroong market value na P95,205,000 habang ang ilan pang shipment ay pawang overstaying containers na may lamang assorted household goods at personal effects.

Sinira ang mga nasabing kargamento sa pamamagitan ng pagpunit, pagdurog at pagtapon sa isa sa mga accredited facility ng ahensya na Greenleaf 88 Non-hazardous Waste Disposal.                                                                                   

vuukle comment

ZAMBALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with