^

Probinsiya

Mag-asawa todas sa ambush sa Cavite!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawa todas sa ambush sa Cavite!

MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawa matapos tambangan at pagbabarilin ng mga di kilalang salarin habang bumabagtas ang da­lawa sa Sitio Carapiohan, Brgy. Santiago Gen. Trias, Cavite noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni P/Lt. Col. Norman Tranon, hepe ng Provincial Public Information Office ang mga biktimang sina Vincent Rabusa Cabug­nason, 31-an­yos, at asawa nitong si Marilyn, 31; pawang residente ng Barangay San Bartolome, Sto. Tomas, Batangas. 
Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Arnold Abad, alas-2:15 ng hapon nang maganap ang pananambang sa mag-asawang Cabugnason.

Nabatid na habang sakay ang mag-asawa ng itim na Toyota Wigo at bumabagtas sa nasabing lugar nang bigla silang dikitan at pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek.

Tadtad ng tama ng bala ang sasakyan ng mag-asawa gayundin ang mga biktima na naitakbo pa sa GEAM Hospital subalit iparehong dineklarang dead-on-arrival.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang malinaw na motibo ang pulisya hinggil sa naganap na pagpatay sa mag-asawa. - Arnell Ozaeta

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with