^

Probinsiya

72-anyos lola na buboto, patay sa polling precinct

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Ilang hakbang na lang at makakaboto na sana ang isang 72-anyos na lola su­balit hindi na umabot pa sa polling precinct matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib at tuluyang nag-collapsed hanggang sa bawian ng buhay, kamakalawa sa Brgy. Sta. Cristina 2. lungsod ng Dasmarinas, dito

Hindi na naisalba pa sa pagamutan ang biktimang si Erlinda Cahindoy Lachica, residente ng Brgy. Sta. Cristina 2, Dasmariñas City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:43 ng ­umaga habang patungo ang biktima sa polling pre­ci­nct para bumoto nang makaramdam ng ma

Sa pahayag ng manugang na si Perlita Lachica, inaalalayan umano niya ang biktima at naglalakad sila patungo sa pagboto pero nang malapit na sana sila sa polling precinct kung saan ilang hakbang na lamang, nang makaramdam ng paninikip ng dibdib ang biktima hanggang sa himatayin

Agad itinakbo sa pagamutan ang lola subalit idineklarang dead-on-arrival. Malamang umano dahil sa init ng panahon at dami ng tao kung kaya na-suffocate ang biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with