^

Probinsiya

DQ vs mag-asawang mayor at solon sa Batangas isinampa

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
DQ vs mag-asawang mayor at solon sa Batangas isinampa
Sa dokumentong ipi­­nadala sa media, Mayo 4 nang magsampa ng pormal na reklamo sina Carlito D. Bisa at Eduardo G. Garcia sa legal department ng Commission on Elections (COMELEC) sa Maynila.
STAR/ File

BATANGAS, Philippines — Pormal na nagsampa ng “disqualification case” o DQ ang mga kala­ban sa pulitika nina Ba­tangas City mayor Berverly Dimacuha-Mariño at Batangas 5th District Representative Marvey Mariño dahil umano sa iba’t ibang paglabag sa halalan.

Sa dokumentong ipi­­nadala sa media, Mayo 4 nang magsampa ng pormal na reklamo sina Carlito D. Bisa at Eduardo G. Garcia sa legal department ng Commission on Elections (COMELEC) sa Maynila.

“Pamimili ng boto o vote-buying ang ginagawa nina Mariño gamit ang programa sa scholarship at pa­mamahagi ng TUPAD ng DOLE kung saan isinisingit nila ang pa­ngangampanya gamit ang salapi at ari-arian ng gobyerno” ani Bisa.

“May mga patunay ring maging ang pagbiyahe para sa mater­yales at tao upang ma­ngampanya ay ginagamit din ang speed boat ng Lungsod para sa disaster operation,” dagdag ni Bisa.

Si Bisa ay kalaban ni Mariño sa pagka-kongresista at si Garcia naman ay kalaban ni Dimacuha-Mariño sa pagka-Mayor.

Mariin namang iti­nanggi ni Kongresman­ Mariño ang mga pa­ra­tang nila Bisa aat Garcia.

vuukle comment

TUPAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with