^

Probinsiya

Lady trader na dayo hinoldap ng 2 katransaksyon, P123K tangay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines – Isang babaeng negosyante mula sa lalawigan ng Pam­panga ang hinoldap at natangayan ng P123,000, mga doku­mento at dalawang Android cellphone ng dalawang lalaking ka-transaksyon umano nito sa bibilhing bagong aning melon sa may Sitio Mi­nanglo, Barangay San Francisco ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng San Antonio Police ang biktima na si Nina Mañacop, 28-anyos, isang fruit dealer­ agent ng Barangay Pangatian, Mexico, Pampanga, habang nakilala naman ang isa sa dalawang suspek na si Mike Salvador ng bayang ito.

Ayon kay P/Cpl. Aldrin Pe Manuel, may hawak ng kaso, si Mañacop na sakay ng isang Mitsu­bishi Canter (NGR-556), ay dumating sa pamilihang bayan dito, bandang alas-10:20 ng umaga ng Sabado.

Nabatid na kasama ng biktima ang drayber na si Emil Gabalonzo, 29-anyos at pahinante na si Billy Doneza, 37, kapwa ng Tanza, Cavite, nang sunduin umano sila ng dalawang lalaking ka-tran­saksyon ng biktima sa pagbili ng melon na aabot sa P60,000 at sinabing sundan umano sila hanggang makarating sa Sitio Minanglo.

Ayon sa mga biktima, kapwa umano nakasuot ng itim na jacket at bullcap at face mask ang dala­wang suspek na sakay ng walang plaka na kulay pulang motorsiklong Suzuki Smash, at pagdating umano nila sa lugar kung saan isasakay ang mga melon ay dito na sila tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap.

Sapilitang kinuha ng mga suspek kay Mañacop ang sling bag nito na may lamang P120K cash at kanyang wallet na may P3,000 cash sa loob. Maging ang ilang dokumento at dalawang Xiaomi Android phones ay tinangay.

Agad na tumakas ang dalawang suspek sa hindi pa batid na direksyon matapos na makulimbat ang nasabing halaga.

vuukle comment

NINA MAñACOP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with