^

Probinsiya

Mister nililigawan si mare, itinumba ni pare

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mister nililigawan si mare, itinumba ni pare
Kinilala ang nasawi na si Gilbert Aretana, 42, construction worker, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Roger Basilan, pedicab driver at kapwa taga- Imus, Cavite.
File

IMUS City, Cavite, Philippines — Isang mister ang nasawi matapos pagbabarilin ng kanyang kumpare dahil sa matinding selos nang nililigawan nito ang misis ng huli,kamakalawa sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Gilbert Aretana, 42, construction worker, habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Roger Basilan, pedicab driver at kapwa taga- Imus, Cavite.

Batay sa report ng Police Station, umaga ng Miyerkules papasok sa trabaho ang biktima nang bigla na lamang pagbabarilin ng suspek sa likurang bahagi.

Nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen, agad namang nadakip ng mga otoridad ang suspek at inamin na matinding galit at selos ang nagtulak sa kanya para barilin ang kanyang kumpare.

“Hindi ko lang matanggap na kumpare ko pa siya mismo, nahuli kung ka-chat niya ang misis ko at nililigawan niya”, pahayag pa ni Basilan.Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with