^

Probinsiya

3 sundalo na nakabaril sa 20-anyos, sinibak na

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 sundalo na nakabaril sa 20-anyos, sinibak na

MAUBAN, Quezon, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ang tatlong sundalo ng 59th Infantry Battalion,Philippine Army matapos nilang mabaril ang isang 20-anyos na lalaki sa bayang ito kamakailan.

Ayon sa ulat, bukod sa pagkakasibak,  pinatawan ng kasong admi­nistratibo ang mga sundalong sina First Class Melvin Añonuevo, Denver Allao at Rolito Cornel dahil sa pagsuway ng mga ito sa polisiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipinagbabawal ang pag-inom sa pampublikong lugar.Ang Discharge Order ay epektibo mula April 9, 2022.

Batay sa ulat ng pulisya, nag-iinuman sa isang bar sa Barangay Polo, Mauban, Quezon ang tatlong sundalo nang lapitan umano sila ni Jayr Laquites, anak ng may-ari ng bar.

Kinumusta lamang umano ni Laquites ang tatlo ngunit uminit ang ulo ni Añonuevo at biglang binaril ang biktima.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima habang agad na nahuli ang mga suspek sa follow-up ­operation na isinagawa ng pulisya.

vuukle comment

KRIMEN

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with