^

Probinsiya

200 manok napeste sa Avian flu virus

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Nasa 200 na mga paitlugin na manok ang napeste dahil sa pagtama ng Avian flu virus o H5N1 sa Barangay Marabulig, Cauayan City sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), ang nasabing pagkamatay ng mga manok dahil sa Avian flu ang kauna-unahang kaso na naitala sa buong Cagayan Valley (Region 2).

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA-Region 2, ang kumpirmasyon ay batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga samples ng Integrated Laboratory na nakabase sa Tuguegarao City nitong nakalipas na Linggo.

Inaalam ngayon ng kagawaran ang maaring pinagmulan ng nasabing virus kasabay ng pagbibigay ng sapat na impormasyon kung paano maiwasan at nang hindi na kumalat pa sa ibang lugar.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with