^

Probinsiya

Rider na nurse, bumangga sa bus, nasagasaan pa ng van

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Rider na nurse, bumangga sa bus, nasagasaan pa ng van
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Quezon Medical Center dahil sa tinamong pinsala sa ulo at mga katawan ay kinilalang si Robert Baladad, 31,binata ng Pagbilao,Quezon.
STAR/ File

LUCENA CITY, Philippines — Doble ang sinapit na kamatayan ng isang lala­king nurse matapos na ang minamaneho niyang motorsiklo ay bumangga sa isang pampasaherong bus at nang bumagsak ay nasagasaan naman siya ng dumarating na van naganap,kamakalawa sa Purok Ilayang Diversion,Barangay Silangang Mayao.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Quezon Medical Center dahil sa tinamong pinsala sa ulo at mga katawan ay kinilalang si Robert Baladad, 31,binata ng Pagbilao,Quezon.

Ayon sa pulisya, patungo sa direksyon ng Sariaya, Quezon,alas 8:00 ng umaga ang biktima at minamaneho ang kanyang  motorsiklo nang bumangga sa hulihan ng sinusundang DLTB Bus na minamaneho ni Marjon Tatoy ng Laguna.

Tumilapon sa kal­ye ang biktima saka nasagasaan ng Manila bound na Nissan Urban van na minamaneho ni Edilberto Antonio ng Gumaca,Quezon.

Nasa kustodya nga­yon ng pulisya ang driver ng dalawang sasakyang nakaaksidente sa biktima.

vuukle comment

BUS

DEAD-ON-ARRIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with