^

Probinsiya

Negosyante itinumba ng tandem

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 57-anyos na negosyanteng lalaki makaraang barilin ng riding-in-tandem na lulan ng motorsiklo habang papasok sa compound ng kanyang bahay sa Barangay Pula ng lungsod na ito, Linggo ng umaga. 

Kinilala ng Cabanatuan City Police ang biktima na si Elmer Reyes, 57, isang biyudo ng Purok 5 ng nasabing barangay.

Nabatid sa pulisya na alas-8:25 ng umaga, nagmamaneho ang biktima ng kanyang mini Sedan na Honda Fit at papasok na sa compound ng kanilang bahay nang sabayan umano ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Napag-alaman na ang angkas umano sa motorsiklo ang bumunot ng baril at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima hanggang sa bawian ng buhay.

Agad na tumakas sa hindi pa batid na direksyon ang dalawang suspek matapos mapuruhan ang biktima.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with