^

Probinsiya

Bulkang Taal nagtala ng 3 phreatomagmatic burst

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Taal nagtala ng 3 phreatomagmatic burst
This handout photo taken and received on March 26, 2022 from the Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) shows the Taal volcano, which sits in a picturesque lake in Batangas province, after an eruption sent ash and steam hundreds of metres into the sky.
Handout / Philippine Volcanology and Seismology / AFP

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng tatlong “phreatomagmatic burst” mula sa Main Crater ng Bulkang Taal kahapon ng umaga, batay sa Taal Volcano Network (TVN) na nagdulot ng plume na may taas na 500 hanggang 900 metro na napadpad sa timog kanluran.

Sa nakalipas na 24 oras, ang TVN ay  nakapagtala rin ng 13 volcanic earthquake kabilang ang tatlong volcanic tremor na tumagal ng 2  hanggang 3 minuto at 10  low-frequency volcanic earthquakes.

May naganap na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na may taas na 2,000 metro na napadpad sa timog-kanluran. May 7,856 tonelada naman ng asupre ang nailuwa ng bulkan.

Nananatili namang nasa Alert Level 3 (Magmatic unrest) ang Bulkang Taal na sa ka­lagayang ito ang magma na nanunuot sa ilalim ng Main Crater ay maaaring magdulot ng karagdagan o malakas na pagputok.

Patuloy na pinagbabawalan ng Phivolcs ang sinuman na manatili sa Taal Volcano Island at sa mga high-risk barangays ng Bili­binwang at Banyaga, Agoncillo at Boso-boso, Gulod at silangang bahagi ng Bugaan East, Laurel, Batangas dahil sa panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.

vuukle comment

BULKANG TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with