^

Probinsiya

120 kaanib ng NPA, nagbawi ng suporta

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
120 kaanib ng NPA, nagbawi ng suporta
Malugod namang tinanggap ni Phil. Army Major General Andrew Costelo, commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division ng Philippine Army, ang 120 indibiduwal na mga miyembro umano ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) at Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) sa isang withdrawal of support ceremony na ginanap sa Brgy. Bonifacio sa Cuyapo, NE, nitong Martes.
STAR/ File

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija, Philippines — Kasabay ng ika-53 taong anibersaryo ng New People’s Army (NPA) nitong Marso 29, aabot sa 120-katao na mass supporter ng NPA ang nagpahayag ng kanilang pagbawi ng suporta sa rebeldeng grupo.

Malugod namang tinanggap ni Phil. Army Major General Andrew Costelo, commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division ng Philippine Army, ang 120 indibiduwal na mga miyembro umano ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) at Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM) sa isang withdrawal of support ceremony na ginanap sa Brgy. Bonifacio sa Cuyapo, NE, nitong Martes.

Naging facilitator naman ang mga sundalo ng 84th Infantry (Victorious) Battalion sa pagtanggap sa 120 miyembro ng LMB at PKM, na katuwang na sinaksihan ng mga opis­yal ng LGU, Municipal Police at 2nd Provincial Police Mobile Force.

Sa seremonya, isang panunumpa ng katapatan sa pamahalaan ang isinagawa ng mga kalahok, kasunod ng pagsunog nila sa mga Watawat ng CPP-NPA-NDF, na sumisimbolo sa pagkaputol ng kanilang ugnayan at suporta sa komunistang grupo na kumokondena rin sa mga kalupitan na ginawa ng Communist Terrorist Groups (CTG) sa mga nagdaang taon. 

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with