^

Probinsiya

Trak sumalpok sa poste: 10 obrero, nasugatan

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Sampung construction workers ang nasugatan matapos ang sinasakyan nilang dump truck ay nawalan ng preno at sumalpok sa poste ng kuryente sa kahabaan ng Governor Jose Linao Road, Barangay Atilano Ricardo, Bagac, Bataan, kamakalawa.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Romell Velasco, Bataan police provincial director,  na ang trak na minamaneho ng isang Marvin Campano at may sakay na 21 manggagawa nang ito ay mawalan ng preno at tuloy-tuloy na sumalpok sa poste ng kuryente.

Ang mga nasugatang manggagawa ay dinala sa Bagac Medicare Hospital and Bataan General Hospital, Balanga City.

Ayon sa pulisya na nawalan ng preno ang trak habang pababa,subalit hindi nasiraan ng loob ang drayber at namaniobra niya ito at hindi nahulog sa tulay kaya’t isinalpok na lang niya sa poste.

Nabatid na ang trak ay maghahatid ng mga trabahador sa construction site nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

JOSE LINAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with