^

Probinsiya

3 magpipinsan timbog sa rape

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MASINLOC, Zambales, Philippines — Tatlong magpipinsan na naitalang most wanted persons (MWPs) dahil sa panggagahasa umano sa isang menor-de-edad sa Pangasinan ang nalambat sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga naarestong MWPs sa lalawigan ng Zambales na sina Jhumeldy Trigo, kapatid na si Jhumardy at pinsang nilang si John Carlo Ingalan.

Ayon sa ulat, naaresto ang tatlo sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Masinloc Municipal Police, Zambales Provincial Intelligence Unit at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Alaminos, Pangasinan sa bisa ng warrant of arrest laban sa kanila na inilabas ni Judge Marlon Soriano Meneses ng Regional Trial Court, Branch 55 sa Alaminos sa salang panggagahasa sa isang menor-de-edad na nangyari sa bayan ng Bolinao, may ilang buwan na ang nakakaraan.

vuukle comment

MWP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with