^

Probinsiya

‘No Bakuna, No Entry’ ipinatupad sa Olongapo City

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Epektibo kahapon ay nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng lungsod na ito ng direktiba na hindi pahihintulutan na pumasok sa siyudad ang mga hindi residente na walang bakuna laban sa COVID-19..

Ang naturang hakbang ay upang pigilan ang mabilis na pagkalat ng mga indibiduwal na tinatamaan ng COVID-19.

Sa inilabas na anunsiyo ni Mayor LenJ Paulino Jr., kinakailangang ipri­sinta ang vaccination card sa mga otoridad na nasa border control checkpoint para sa mga hindi residente ng lungsod.

Base sa pinakahu­ling update ng Olongapo Task Force COVID-19, umakyat kaagad sa 139 na bilang ang aktibong kaso ng lungsod matapos makapagtala ng 53 panibagong kaso na kung saan karamihan sa mga ito ay pawang mga fully vaccinated.

Nasa 5,597 naman ang naitalang kumpirmadong kaso habang 5,141 naman ang mga nakarekober samantalang nasa 317 naman ang kabuuang listahan ng mga nasawi.

Patuloy naman ang paalala ni Mayor Paulino Jr. sa kanilang mga nasasakupan na sundin pa rin ang safety and health protocol, maghugas ng kamay, magsuot ng face mask at pairalin ang social distancing.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with