^

Probinsiya

2 negosyante pinagbabaril sa NLEX: 1 patay, 1 sugatan

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang negosyante ang pinagbabaril habang sakay ng kanilang kotse ng hindi pa nakikilalang mga arma­dong kalalakihan sa kahabaan ng Penquin St., North Luzon Expressway, Brgy. Pandayan ng bayan ito.

Sa ulat ni P/Col. Manuel Lukban, Bulacan police provincial director, na nasawi si Ronald Regala, 68, residente ng barangay habang sugatan si Clarice Ann Regala, 29, na residente din ng  barangay.

Sa ulat, sakay ang dalawang biktima at isang Luz Regala, 58, na isa ring negosyante ng Toyota Fortuner habang bumabagtas sa nasabing service road ay hinarang sila ng isa sa mga suspek na nakamotorsiklo.

Isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga biktima sa loob ng kanilang sasakyan.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Ronald at Clarice na dinala sa Meycauayan Doctor’s Hospital na kung saan ay idineklarang dead on arrival ang una. Masuwerteng hindi tinamaan si Luz Regala. Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya sa kaso.

vuukle comment

LUKBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with