^

Probinsiya

Van nalaglag sa bangin: Abogado ng COA todas, 13 sugatan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang abogado ng Commission on Audit (COA) ang nasawi habang 13 ang sugatan nang mahulog sa ba­ngin ang sinasakyan nilang coaster van sa bayan ng Alamada sa lalawigan ng Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 ng gabi sa Barangay Barangiran na isang accident-prone portion ng national highway mula Wao, Lanao del Sur at Libungan, Cotabato.

Ayon kay Alamada Police chief Major Brian Espinosa, nahulog ang van sa bangin na may lalim na 20 meters.

Lulan ang mga bik­tima ng van ng Bureau of Fire Protection sa Bang­samoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao (BFP-BARMM) na magsasagawa sana ng Operational Readiness Site Inspection.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya upang malaman ang dahilan ng aksidente.

vuukle comment

COA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with