^

Probinsiya

Utol ng ex-mayor sa Batangas itinumba

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Patay ang isang 58-anyos na negosyante na kapatid ng dating alkalde sa lalawigang ito matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga gunman sa bayan ng San Juan noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Maj. Arlan Perez, San Juan Police chief ang biktimang si Francisco Hidalgo Jr., tubong Barangay Quipot, San Juan, Batangas at residente ng Barangay Santiago, Malvar ng nasabi ring lalawigan.

Ayon sa report, kabababa lang ni Hidalgo sa kanyang sasakyan sa harap ng kanyang furniture shop sa Brgy. Sico 1, San Juan, Batangas nang lapitan ng limang armadong kalalakihan at pagbabarilin ito bandang alas 8:50 ng umaga

Dead-on-the-spot si Hidalgo matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Ayon sa mga saksi, tumakas ang mga suspek patungo sa bayan ng Rosario sakay ng kulay puting kotse.  “Tinitignan pa namin ang posibleng motive kung may kaugnayan sa kanyang previous activities,” ani Maj.Perez

Si Francisco Hidalgo ay kapatid ng dating mayor ng Balete na si Joven Hidalgo na napatay rin matapos barilin noong Hunyo 9, 2017.

Patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng pulisya laban sa tumakas na mga suspek.

vuukle comment

ARLAN PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with