^

Probinsiya

LGU employee utas sa motorsiklo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PADRE BURGOS, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan makaraang maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo sa highway na sakop ng Barangay Hinguiwin, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nag­tamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang si Marck Mannis Rojas, 32, may asawa, empleyado ng Unisan, Quezon muni­cipal government at residente sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigas­yon, patungo sa Pagbilao, Quezon ang biktima at minamaneho ang isang Yamaha mo­torcycle.

Pagsapit sa kurbadang bahagi ng kalye dakong alas-4:40 ng hapon ay na­walan ng kontrol sa manibela ang biktima at tuluyàn itong natumba at nag-slide na naging­ sanhi ng matin­ding tama sa ulo at katawan.

Sinikap pa itong dalhin ng mga saksi sa pinakamalapit na ospital subalit nalagutan din ng hininga.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with