Drug pusher pumalag sa buy-bust, utas

Kinilala ang suspek na si Alvin Gamayan Baldoza, nasa hustong­ gulang, residente ng Brgy. Agos at dati nang sumuko noon sa Oplan Tokhang.
STAR/File

PILI, Camarines Sur, Philippines — Bulagta ang isang notoryus na tulak ng droga matapos na pu­malag sa drug bust operation ng pulisya sa Brgy. Palestina sa bayang ito.

Kinilala ang suspek na si Alvin Gamayan Baldoza, nasa hustong­ gulang, residente ng Brgy. Agos at dati nang sumuko noon sa Oplan Tokhang.

Ayon kay PRO5 Re­gional Director Brig. Gen. Jonel Estomo, ala-1:00 ng madaling araw ay kumagat ang suspek sa buy-bust operation.

Gayunman, nang i-abot ni Baldoza sa pulis na posuer buyer ang biniling isang pakete na tumitimbang ng 100-gramo at nagkakahalaga ng P300,000 ay sumenyas na ito da­hilan para magsila­basan ang mga naka­tagong operatiba.

Mabilis na bumunot ng baril ang suspek at pinutukan ang posuer buyer na agad naka­takbo dahilan para putukan din siya ng mga operatiba dahilan para ito bumulagta.

Nang kapkapan nakuhanan pa ang suspek ng 900 gramo ng shabu at nagkakaha­laga lahat ng nasam­sam na droga sa P6.8 milyong piso.

Show comments