Ginang pinasok sa bahay, pinatay

Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Medical Mission Group Hospital pero idinekla­rang dead-on-arrival ang biktimang si Michelle Gasfilo Daza, 33, may kinakasama at residente ng naturang barangay.
The STAR/File

NABUA, Camarines Sur, Philippines —  Bulagta sa kanyang bahay ang isang ginang matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Zone-2, Brgy.Topas sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Medical Mission Group Hospital pero idinekla­rang dead-on-arrival ang biktimang si Michelle Gasfilo Daza, 33, may kinakasama at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi habang nasa kanyang bahay ang biktima nang dumating ang hindi nakilalang lalaki na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.

Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagbabaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Show comments