^

Probinsiya

Urno ninakaw sa loob ng Pangasinan cemetery

Eva Visperas - Pilipino Star Ngayon

SAN JACINTO, Pangasinan, Philippines — Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya tungkol sa reklamo ng isang biyudo matapos mawala ang urno na naglalaman ng abo ng kanyang namayapang misis sa loob ng  isang public cemetery.

Ayon kay P/Major Edgar Allan Serquiña,San Jacinto police chief, na nagtungo noong Linggo sa kanila si Alberto de Guzman, 62, ng Barangay Pag-asa matapos madiskubre na nawawala ang urno ng kanyang namayapang misis nang siya ay bumisita sa sementeryo.

Sa Facebook post ni De Guzman ay umapela ito sa kumuha ng urno ng kanyang misis na ibalik kahit na ang abo na lang.

Nagmakaawa ito sa nagnakaw na magkaroon ng awa at magkaroon ng konsensya sa namatay.

Ayon kay De Guzman na noong Linggo ng alas-11:30 ng umaga ay nagtungo ito sa puntod ng misis at napansin na ang kandado ay sira at nawawala ang urno na nagkakahalaga ng P15,000.

Nagsasagawa ang mga pulis ng malalimang imbestigasyon upang matukoy ang nagnakaw ng urno.

vuukle comment

CEMETERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with