^

Probinsiya

6 holdaper patay sa engkwentro sa Antipolo

Doris Franche, Ed Amoroso, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6 holdaper patay sa engkwentro sa Antipolo
Batay sa ulat ng Antipolo City Police, bago naganap ang engkuwentro, dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Marcos Highway sa Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City ay nakatanggap ang mga pulis ng intelligence report na magsasagawa ang grupo ng serye ng robbery holdup sa mga maliit na establisimyento sa Rizal.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang anim na lalaking hinihina­lang holdaper nang ma­ka­engkwentro ang mga pulis matapos umanong tangkaing holdapin ang isang gasolinahan sa Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling araw.

Patuloy pang ina­alam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga napatay na suspek.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, bago naganap ang engkuwentro, dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Marcos Highway sa Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City ay nakatanggap ang mga pulis ng intelligence report na magsasagawa ang grupo ng serye ng robbery holdup sa mga maliit na establisimyento sa Rizal.

Kaya’t umalerto ang mga pulis Antipolo at nagbantay sa posibleng pag-atake ng grupo.

Dito ay napansin ng SOD-Intel Tracker Team ang apat na suspek ay sakay ng isang Sedan habang dalawa ay magkaangkas sa isang motorsiklo na nagmamatyag sa isang gasolinahan sa lugar.

Nagtungo ang mga otoridad sa lugar upang sitahin, gayunman ka­agad silang pinapatukan ng mga suspek at tumakas patungo sa direksyon ng Baras, Rizal.

Habang hinaha­bol ng mga pulis ay pina­puputukan ng mga suspek na kung saan ay namonitor naman ng Antipolo Police ang insidente kaya’t naglatag sila ng road block sa Marcos Highway.

Hinarang ng mga pulis ang mga suspek sanhi upang sumemplang ang motorsiklo habang nabangga naman sa steel barrier sa gilid ng kalsada ang Sedan.

Dito na nakorner ng mga pulis ang mga suspek at tinangkang pasukuin, pero sa halip na sumuko ay nanlaban pa umano ang mga suspek at nagtangkang tumakas.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspek.

Isang pulis ang tinamaan ng bala sa engkwentro ngunit ligtas naman ang kalagayan nito dahil sa suot na bullet-proof vest.

Narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang anim na iba’t ibang uri ng armas, ginamit na sasakyan na isang brown Kia Rio Sedan na may nakaka­bit na plakang ABQ-2011 ngunit natuklasang naka-assign sa isang Nissan Almera, gayundin ang isang puting Yamaha Mio Soul na may plate number na 4967UG.

vuukle comment

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with