^

Probinsiya

Mister ni Ara Mina tatakbong kongresista sa Laguna

Pilipino Star Ngayon
Mister ni Ara Mina tatakbong kongresista sa Laguna
Sinamahan ng aktres na si Ara Mina sa paghain ng kandidatura ang kanyang mister na si Dave Almarinez na tatakbong kongresista sa San Pedro, Laguna.

MANILA, Philippines — Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura para sa pagka-kongresista ng San Pedro, Laguna si Dave Almarinez, asawa ng aktres na si Ara Mina.

Todo suporta ang “Ang Probinsyana” aktres nang maghain ng Certificate of Candidacy ang kanyang mister sa Comelec Provincial Office ng Laguna nitong Miyerkules ng hapon.

Mainit na tinanggap ng kanyang mga taga-suporta ang kandidatura ni Almarinez na inaasa­hang “heavy favorite” sa darating na halalan dahil siya ay consistent No. 1 na bokal sa unang distrito sa tatlong pagkakataon.

“Opisyal ko pong inihahayag ang aking pagtakbo bilang Lone District Representative ng San Pedro Laguna. Nais ko pong maging bahagi ng kasaysayan at makaambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga kapwa ko taga San Pedro Laguna,” ani Almarinez.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng sariling kongresista ang San Pedro bilang isang Lone District sa 2022 matapos isabatas ang RA 11395 na naghihiwalay sa dalawang lungsod ng Santa Rosa City at San Pedro na bumu­buo ng unang distrito.

vuukle comment

ARA MINA

KONGRESISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with