^

Probinsiya

60-anyos magsasaka nalunod sa ilog

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

LA UNION, Philippines — Isang bangkay ng 60-anyos­ na magsasaka na pina­niniwalaang nalunod­ ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Barangay Ginabang, Bac­­notan ng lalawigang ito.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 1(PRO1) kinilala ang na­sawi na si Alfred Ga­lano ng Barangay Bungol, Balaoan.

Sa inisyal na im­bestigasyon, bago na­diskubre ang bangkay ng biktima ay huli itong nakitang buhay noong Oktubre 3 na may mga kainuman malapit sa ilog.

Nabigo itong ma­kauwi ng kanilang bahay kung kaya’t ito ay inireport ng kanyang mga kaanak sa pulisya.

Nakita ng isang la­laki ang katawan ng bik­tima na nakitang pa­lutang-lutang sa ilog kaya’t agad itong iniulat sa pulisya.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang na­ging kainuman ng biktima upang malaman kung may naganap na foul play.

vuukle comment

PRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with