^

Probinsiya

Lola natupok sa sunog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Patay ang isang 87-anyos na lola makaraang kàsamang natupok ng kanyang nasunog na bahay sa Hermanas Capistrano Subdivision 3,Barangay Gulang-gulang, kamakalawa ng madaling araw.

Batay sa ulat, kinilala ang biktima na si Arcelia San Juan, biyuda ng nasabing lugar.

Lumalabas sa pagsisiyasat, ala-1:42 ng mada­ling araw nang  sumiklab ang sunog sa bahay ng biktima at dahil nag-iisa na lamang ito at bedridden ay hindi na makatayo hanggang sa lamunin ng apoy ang bahay.

Nang makarating sa kaalaman ng apo ng biktima na si Krizian San Juan, 31 ang pangyayari ay sumugod ito sa tupok ng bahay upang iligtas ang matanda, subalit napaso ito sa magkabilang kamay ng mga nag-aapoy pang debris ng bahay kung kaya’t mabilis itong isinugod sa Quezon Medical Center.

Umabot ng isang oras ang sunog bago tuluyang naapula.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with