^

Probinsiya

Lady official ng NPA nalambat sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Lady official ng NPA nalambat sa Bulacan
Sa report, dinakip si Sigua ng warrant section operatives ng San Jose Del Monte (SJDM) Police sa pangunguna ni P/SMS Noel Estanislao kasama ang RIU-3 personnel, Bulacan PIT, RID-3, RIDMD-3, PIDMB, PIB-, 2nd PMFC BULPPO, PHPT Bulacan, 301st MC, RMFB-3 at 24th Special Action Company (SAF) bandang alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Patubig, Marilao sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu ni Judge Lou Nueva ng RTC-Branch 7, Bayugan City, Agusan Del Sur na walang piyansang inilaan sa kasong murder noong Hulyo 10, 2019.

MARILAO, Bulacan, Philippines — Arestado ang wanted na dalagang pinaniniwalaang finance officer ng New People’s Army (NPA) matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kasong pagpatay, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang sinasabing opisyal ng NPA na si Ma. Lorena Sigua, 44, residente ng Brgy. Muzon.

Sa report, dinakip si Sigua ng warrant section operatives ng San Jose Del Monte (SJDM) Police sa pangunguna ni P/SMS Noel Estanislao kasama ang RIU-3 personnel, Bulacan PIT, RID-3, RIDMD-3, PIDMB, PIB-, 2nd PMFC BULPPO, PHPT Bulacan, 301st MC, RMFB-3 at 24th Special Action Company (SAF) bandang alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Patubig, Marilao sa bisa ng alias warrant of arrest na inisyu ni Judge Lou Nueva ng RTC-Branch 7, Bayugan City, Agusan Del Sur na walang piyansang inilaan sa kasong murder noong Hulyo 10, 2019.

Nabatid sa report ng SJDM police na si Sigua ay finance officer ng Regional Operations Command mula sa North Eastern Mindanao Regional Committee (ROC-NEMRC) sa ilalim ni Edelberto Reponte Dabal, commanding officer, inuugnay din siya kay Imelda Rambuyon ng Guerilla Front 21 ng (NEMRC).

Napag-alamang kasalukuyang naka-heightened alert ang SJDM police matapos mahuli at makulong sa kanila ang sinasabing high ranking official ng Bagong Hukbong Bayan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with