^

Probinsiya

Unang train-set ng railway project sa Bulacan, darating sa Disyembre

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tapos nang ma-assemble o mabuo sa Japan ang unang mga bagon ng tren para sa North-South Commuter Railway (NSCR) Project Phase 1 na inaasahang darating sa Pilipinas sa darating na Disyembre.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Sec. Goddes Hope Libiran, nakatakdang dumating sa bansa ang unang train-set bago matapos ang taon at igagarahe ito sa magiging depot ng NSCR Phase 1 na nasa hangganan ng Meycauayan, Bulacan at Valenzuela City.

Kapag dumating na ang nasabing train-set, agad aniyang sisimulan ang testing bilang paghahanda sa partial operabi­lity na target sa 2022.

Nabatid na magkakaroon ng kabuuang 13 train-sets ang NSCR Phase 1 o katumbas ng 104 mga bagon. Bawat isang train-set ay may mga walong bagon na magkakadugtong.

Harapan ang mga upuan nito na kayang mag­lulan ng 45 hanggang 54 katao na nakaupo, at mga nasa 300 katao na nakatayo sa bawat bagon. Yari sa lightweight stainless steel ang bawat bagon na may bigat na 270 metro tonelada. May taas itong 13 na talampakan at pitong pulgada na may lapad na 2,950 millimeters.

Ito ang aktuwal na mga tren na bibiyahe sa 38 kilometrong ruta ng NSCR Phase 1 mula sa Tutuban hanggang sa Malolos. Pagpasok ng taong 2022, sunud-sunod nang magsisidating sa depot ng NSCR Phase 1 ang 12 pang mga train-sets.

May halagang P12 bilyon ang naturang mga bagon ng tren na ginawa ng Sumitomo Corporation at Japan Transport Engineering Corporation (J-TREC).

Bahagi ito ng kabuuang P106 bilyong halaga ng proyektong NSCR Phase 1, kung saan P93 bilyon ang mula sa Official Development Assistance (ODA) ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at P13 bilyon mula sa sariling pondo ng Pilipinas.

vuukle comment

DOTR

RAILWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with